Malnutrition rate sa Pangasinan, bumaba ng 1.74 porsiyento ngayong taon

Bumaba ng 1.74 percent ang malnutrition rate sa lalawigan ng Pangasinan kumpara sa dating 2.46 percent noong nakaraang taong 2015 ayon sa resulta ng “Operation Timbang” (OT) ng Provincial Health Office (Pho).

Kasabay sa paggunita ng Nutrition Month ngayong Hulyo na may temang “First 1,000 Days ni Baby Pangalagaan para sa wastong kinabukasan” inihayag ni Dr. Anna Teresa de Guzman, Provincial Health Officer, higit na pangalagaan ang kalusugan ng mga sanggol.

Kinilala naman ang limang healthiest municipalities ng Pho batay sa resulta ng “Operation Timbang” kabilang na ang San Jacinto, Santa Maria, Sual, Infanta at Basista.

Sinabi naman ni de Guzman na ngayong Nutrition Month ay patuloy na pino-promote ang breast feeding, dahil ang pagpapasoso ang pinaka-mabisang pinagkukunan ng nutrisyon ng sanggol.

Speak Your Mind

*