Marine Major General Alexander Balutan, bagong Bucor Chief

Itinalaga bilang bagong hepe ng Bureau of Correction (Bucor) si Marine Major General Alexander Balutan.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maagang magreretiro si Balutan upang makaupo bilang bagong Bucor Chief matapos itong irekomenda ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa magandang track record.

Pansamantala naman magkakaroon ng Officer-In-Charge sa Bilibid habang hinihintay pa si Balutan.

Si Balutan ay miyembro ng PMA Class ’83 at kasama sa Madugong Digmaan noong taong 2000 sa Central Mindanao.

Matatandaang si Balutan ay naging witness sa umano’y dayaan sa halaan taong 2004.

Speak Your Mind

*