Mas mababang presyo ng mga de lata, asahan na ayon sa DTI

Maaasahan ang mas mababang presyo ng mga de latang pagkain at iba pang pangunahing bilihin sa mga susunod na araw.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Victorio Dimagiba, maganda na umano ang takbo ng presyo ngayon ng mga pangunahing bilihin dahil naging competitive na ang merkado dulot na rin sa dami at iba’t ibang produktong naglabasan sa merkado.

Sa katunayan, mas mababa pa umano ang presyo kumpara sa itinakda nilang Suggested Retail Price (SRP).

Sinabi pa ni Dimagiba na ramdam na ang pag-iiba ng takbo ng kalakalan ngayon dahil sa dami ng mga produkto na maaring pagpipilian ng mga mamimili.

Speak Your Mind

*