Matapos mabigong makasali sa Rio Olympics, Ranidel De Ocampo, iniwan na ang Gilas

Matapos ang kabiguan ng Gilas na makasali sa Rio Olympics, inaanunsyo na ni Ranidel De Ocampo na iiwan na niya ang Gilas Pilipinas

Una rito, pinadapa ng New Zealand matapos talunin ang Gilas Pilipinas sa Fiba Olympic Qualifying Tournament sa score na 89-80.

Inanunsyo ni De Ocampo ang kaniyang pasya na magretiro gamit ang kaniyang twitter account.

Si De Ocampo na tubong Cavite ay naging bahagi ng Philippine National Team noong 2003 nang sumabak ang Gilas sa Sea Games na ginanap sa Vietnam.

Pinasalamatan naman ni Gilas Head Coach Tab Baldwin si De Ocampo sa naging kontribusyon niya sa team.

Speak Your Mind

*