Mga hepe ng pulisya sa Pangasinan, posibleng ma-reshuffle

Posibleng magkaroon ng reshuffle ang mga hepe ng pulisya sa lalawigan ng Pangasinan.

Kasunod ito ng pagbalasa sa Officer in-Charge ng Police Provincial Office na si PS/Supt. Allan Ocobo na pinalitan ni PS/Supt. Ronald Lee, mula sa Intelligence Department ng Campo Crame.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, posibleng hilingin ng mga bagong halal na opisyal ng bawat bayan kung sino ang gusto nilang maging hepe.

Karapatan aniya ng bawat local chief executive na mamili kung sino ang gusto nilang mamumuno sa local PNP lalot ito ang kanilang magiging katuwang sa pagpapatupad ng program.

Matatandaan na Enero a-10 taong kasalukuyan nang maupo si Acobo bilang OIC Provincial Director ng Pangasinan, saktong araw ng pagsisimula ng election period.

Speak Your Mind

*