Mga  license card, posibleng dumating na sa LTO Dagupan ngayong buwan

Umaabot pa sa sampung libong License Card ang hindi pa nakukuha sa tanggapan ng Land Transportation Office o LTO Dagupan.

Ito’y sa kabila nang marami paring mga lisensya ang hindi parin dumarating sa naturang tanggapan.

Ganunpaman, sinabi ni Richard Agbayani, LTO Officer ng Dagupan na ngayong buwan posible nang dumating ang mga License Card matapos magka-aberya ang distribution nito dulot ng ipinatupad ng T-R-O ng korte.

Samantala, maaari naman daw makuha na ang mga bagong plate number na may ending na number 0 hanggang number 5

Hinihintay pa rin naman umano ng LTO ang pagdating ng mga replacement plate number na hanggang sa ngayon ay hindi pa dumarating.

Speak Your Mind

*