Mga nagawang proyekto, inilatag ng provincial government ng Pangasinan

Umabot na sa kabuuang 1,533 deep wells, shallow wells and water system ang naipamigay ng provincial government ng pangasinan mula July 2007 hanggang June 2016.

Base ito sa report ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) sa ilalim ng Public Utilities and Water Resources Development Project na nagkakahalagang  p52m

Ayon kay Benita Pizarro, hepe ng PPDO, ang nasabing proyekto ay naging malaking kabawasan sa bilang ng mga kabahayan na umaasa sa mga unsafe water sources.

Mula sa 7.38% o 31,018 households noong 2009 na walang mapagkukunan ng malinis na maiinom na tubig, ang bilang ay bumaba na sa 3.11% o 15,846 household na lamang.

Samantala, sa usaping flood control projects patungkol sa pagbaha, at pagdra-draga, mayroon ng 98 na mga proyekto ang natapos na nagkakahalagang p21.8m.

Pagdating naman sa imprastraktura, ang pamahalaang panlalawigan ay nakapagpagawa, nang aspalto at naisaayos ang may 1,145.791 kms. na mga kalsada at may 3,287.90 linear meters na mga tulay.

Speak Your Mind

*