Mga school building sa Pangasinan para sa mga SHC, malapit ng matapos

Inihayag ng Department of Education o Deped Region 1 na marami na sa mga isinasagawang construction na school building sa lalawigan ng Pangasinan ang malapit ng matapos.

Ito ayon kay Cesar Bucsit, Public Affairs Unit ng Deped Regional Office 1, ay taliwas sa inaasahang buwan pa ng november matapos ang construction ng mga school building.

Sinabi pa ni Bucsit na bunga rin ito ng mahigpit na koordinasyon ng DEPED sa Department of Public Works and Highways o DPWH para matugunan ang kakulangan ng classroom sa senior high school.

Samantala, tuloy naman umano ang monitoring ng Deped Regional Office 1 sa mga school division para malaman kung ano pa ang kailangang ibigay sa mga paaralan kabilang na rito ang mga libro, upuan, at iba pang pasilidad.

Nabatid na umabot na sa 55,013 ang bilang ng mga Senior High School Enrollment sa mga public school at 25,082 sa private school sa buong Region 1.

Speak Your Mind

*