Mga sumukong drug personality sa MM, umabot na sa higit 18,749 – NCRPO

Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umabot na sa higit 18, 749 ang mga drug pushers at users na sumusuko sa mga awtoridad sa unang dalawang linggo ng Hulyo.

Sinabi ni NCRPO Chief Superintendent Oscar Albayalde, na nakaaresto na sila ng 636 nakapatay ng 70 suspek sa kanilang isinagawang operasyon mula Hulyo 1 hanggang 17.

Ang Manila Police District (MPD), ang may pinakamataas na bilang ng drug suspects na sumuko, sinundan naman ito ng Southern Police District at ng Quezon City.

Nanguna din ang mpd at QCPD sa Police District na maraming napatay na suspek.

Speak Your Mind

*