Mga turistang Chinese, patay sa sunog ng sinasakyang bus sa Taiwan

Dalawampu’t anim na turistang Chinese ang patay matapos masunog ang sinasakyang tour bus sa Taoyuan City, Taiwan.

Sumalpok ang naturang bus sa isang barrier sa national highway at nasunog, ayon sa Taiwan Central News Agency.

Magtutungo sana ang bus na lulan ng mga turistang Chinese sa Taoyuan Airport para sa kanilang flight pabalik ng Dalian, China.

Hindi pa naman malinaw ang sanhi ng pagsalpok ng bus sa naturang barrier.

Speak Your Mind

*