MILF at DILG, nagkasundong magsagawa ng anti-drug operations

Nagkasundo ang pamahalaan at ang Moro Islamic Liberation Front na isulong ang kampanya kontra ilegal na droga sa mga lugar na sakop ng MILF.

Pumayag ang MILF na magsumite ng listahan ng mga drug personalities sa kani-kanilang lugar.

Ibeberipika naman ito ng mga law enforcement agencies sa pakikipag-ugnayan sa Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG) at Committee on the Cessation of Hostilities (CCH).

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Ismael Sueño ang naturang kasunduan ay para na rin maiwasang maulit ang panibagong mamasapano operation na naging madugo.

Dagdag pa ni Sueño, pumayag din ang milf na mag-isyu ng search at arrest warrants ang mga law enforcement agencies sa mga lugar na sakop ng MILF.

Inaasahang magsisimula ang anti-drug operations sa MILF areas sa katapusan ng buwan.

Speak Your Mind

*