Minimum Age Of Criminal Responsibility Act, Isinusulong sa Kongreso

Naghain ng panukalang batas si Incoming House Speaker at Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez, Kung saan hiniling nito na babaan ang minimum na edad na maaaring kasuhan.

nakasaad sa panukalang batas ni Alvarez na “Minimum Age Of Criminal Responsibility Act” na ibaba sa siyam na taong gulang ang maaaring patawan ng parusa mula sa kasalukuyang labing limang taong gulang.

Ito ang pangalawang panukala ni Alvarez na kaniyang inihain sa Kongreso mula ng maiproklama siyang panalo sa nakaraang Eleksyon.

Bukod kay Alvarez, isinusulong din ni Capiz Representative Fredenil Castro ang naturang panukalang batas.

Una ng inihain ni Alvarez ang kontrobersyal na Death Penalty Bill.

Speak Your Mind

*