Misis ni Patrick Garcia, iminadong insecure kay Jennelyn Mercado

Aminado si Nikka Garcia, asawa ng aktor na si Patrick Garcia na nakaramdam siya ng insecurity noon sa ex-girlfriend ng kanyang mister na si Jennelyn Mercado.

Sa blog ni Nikka, ibinahagi nito na hindi madali para sa kanya ang pagkakaroon ng communication ni Patrick at Jennylyn dahil sa anak nilang si Alex Jazz.

Say ni Nikka, nang ma-engaged kay Patrick narealized umano niya na kailangan niyang harapin ang insecurity kay Jennilyn.

Nakipagkita at nakipagkilala siya sa aktres at inimbitahan pa sa kanilang kasal ni Patrick.

Sa ngayon ay magkaibigan na ang dalawa at maayos ang pagsasama kasama ang kanilang mga anak.

Ikinasal sina Patrick at Nikka sa isang christian wedding ceremony noong March 21, 2015 at biniyayaan ng isang anak na si Chelsea.

Speak Your Mind

*