Morale ng PNP, Mananatilong Mataas

Nananatili umanong mataas ang Morale ng Philippine National Police kasunod ng tatlo sa kanilang matataas na opisyal ang isinangkot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Iligal na Droga.

ito ang pagtiyak ni Pnp Chief Police Director General Ronald Dela Rosa matapos pangalanan ni Pangulong Duterte ang Tatlong Heneral na umano’y Protektor ng Iligal na Droga sa Bansa.

Ayon sa Heneral, tini-take positively nila ang nasabing isyu.

Inamin ni Dela Rosa na napakalaki ng epekto nito sa tatlong heneral na isinasangkot sa iligal na droga.

Bukod sa tatlong heneral, umaasa si Dela Rosa na may iba pang pulis na mga Drug Personalities na papangalanan sa mga susunod na araw si Pangulong Duterte.

Una ng tinukoy ni Pangulong Duterte sina dating NCRPO Chief Police Director Joel Pagdilao, dating QCPD Director Chief Superintendent Edgardo Tinio at Region Eleven Director Chief Superintendent Bernardo Diza.

Samantala, patuloy naman ang operation ng PNP sa kanilang Anti-Illegal Drug Campaign Operations.

Speak Your Mind

*