Nagpapa-rehab sa Region 1 Medical Treatment & Rehabilitation Center, tumaas

Kinumpirma ng pamunuan ng Region 1 Medical Treatment & Rehabilitation Center, sa barangay Bonuan Binloc, Dagupan na tumaas ang kaso ng nagpapa-rehab ngayong buwan.

Ito ayon kay Dr. Rosalinda Caoile, Psychiatrist na Region 1 Medical Treatment & Rehabilitation Center, mula nang ipatupad ang mahigpit na kampanyan kontra ilegal na dorga.

Sinabi pa ni Caoile na kung dati ay nakapagtatala lamang sila ng isa hanggang dalawang admission kada linggo, ngayon ay umabot na lima hanggang pito kada araw.

Karamihan aniya sa mga ito ay mula sa rekomendasyon ng pulisya at ang iba naman ay boluntaryong nagtutungo sa center na karamihan ay mula sa lalawigan ng Pangasinan, Baguio, La Union at Ilocos.

Tiniyak naman ni Caoile na dumadaan sa tamang evaluation bago tanggapin ang mga nagpaparehab sa naturang center.

Sa ngayon nasa 142 na ang pasyente ng Rehabilitation Center ng Dagupan maluwag pa para sa 300 capacity bed nito.

Speak Your Mind

*