Nagtapos ng ALS, 732 ang pumasa sa 2015 Accreditation and Equivalency Test

Umabot sa 732 na nagtapos ng Alternative Learning System (ALS) ang pumasa sa 2015 Accreditation and Equivalency Test mula sa kabuuang 1,050 na kumuha ng pagsusulit na ginanap noong Abril.

Base sa records ng Schools Division Office I, mas taas ang naitalang bilang ng mga nakapasa ngayong taon kumapara noong 2-13 na mayroong 484 at 714 noong 2014.

Binigyang diin naman ni Gov. Amado “Pogi” Espino III sa kanyang talumpati sa Alternative Learning System (ALS) graduation ceremony na ginanap noong July 26 sa Sison Auditorium ang kahalagahan ng pagkakaroon ng edukasyon

Kasabay nito, hinikayat ng gobernador ang mga nagtapos ng als patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap at huwag nilang hayaan na maulit ang kanilang pagkakamali sa pangalawang pagkakataon.

Speak Your Mind

*