Napolcom, mag-iimbestiga narin sa mga insidente ng mga napapatay sa Pangasinan

Magsasagawa na ng validation ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa mga insidente ng pagkamatay ng mga umanoy sangkot sa iligal na droga sa Pangasinan.

Ayon kay Atty. Edwin Mapili, Provicial Director ang Napolcom-Pangasinan nakatanggap na siya ng direktiba mula sa Regional Office para magsagawa ng validation kaugnay sa mga ulat na mapapatay na suspek sa mga isinasagawang buy bust operation ng PNP.

Aminado naman si Mapili na may kapangyarihan ang mga pulis na gamitin ang kanilang mga armas kung malalagay sa panganib ang kanilang buhay lalo na sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Batay sa tala ng Napolcom-Pangasinan, iisang kaso pa lamang laban sa pulis ang naihahain sa kanilang tanggapan ngayong taon na may kaugnayan sa iligal na droga, ito ay ang pagtatanim ng ebidensya sa isang isinagawang drug operation.

Speak Your Mind

*