Narco-generals, posibleng maharap sa kasong Administratibo

Maaring tatlong uri ng kaso ang umusad sa limang mga heneral sangkot umano sa Ilegal na Droga.

Ayon kay U.P College Of Law Assistant Professor Rowena Morales, posibleng kasong Administratibo, Civil, at Kriminal ang isampang kaso sa limang umano’y Narco-generals.

Gayunman, naniniwala si Morales na ang isang buwang deadline na target ng NAPOLCOM ay para sa pag-iimbestiga at hindi para sa paglilitis.

Una nang sinabi ng NAPOLCOM na target nila ang isang buwan para imbestigahan at kalauna’y i-dismiss sa serbisyo ang tatlo sa limang heneral na aktibo pa sa serbisyo.

Speak Your Mind

*