National Disability Prevention and Rehabilitation Week, kasado na

Pinaghanda na ng Commission on Human Rights (CHR) Region 1 ang pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week na magsisimula sa Hulyo 17 hanggang 23, ngayon taon.

Ang selebrasyon ay sa besa ng Presidential Proclamation No. 361 series of 2000 at Administrative Order No. 35 series of 2002.

Sa programang Kapihan sa Ilocos, sinabi ni Atty. Anna Lea Romero, Atternoy IV ng CHR-RO1 na ang tema ng nasabing aktibidad ay “Karapatan ng may Kapansanan, Isasakatuparan, Now Na!”.

Layunin din umano nito na ipalaganap sa publiko ang mga karapatan ng mga person with disability (PWD) na nakapaloob sa International Mandates at National Law.

Dahil dito nakakasa na ayon kay Romero ang isang symposium na pangungunahan ibat-ibang ahenysa ng pamahalaan kabilang na ang DSWD, DOH, DPWH, DOLE, DILG, DTI, TESDA, DBM, DEPED, PIA, LTO, at NEDA upang pag-usapan ang mga legal counseling.

 

Ang tinig ni Atty. Anna Lea Romero, Atternoy IV ng Commission on Human Rights (CHR) Region 1.

Speak Your Mind

*