No ID, no SIM, panukala ni Senator Lacson

Ping_Lacson_cropped-300x206

Photo Credit: www.wikiwand.com

Ganitong uri ng patakaran ang ipapatupad ng pamahalaan sa sandaling maisabatas na ang panukalang inihain ni Senador Panfilo Lacson tungkol sa paghihigpit sa pagbibenta ng prepaid Subscriber Identity Module (SIM) card sa publiko.

Pangunahing layunin ng Senate Bill 252 na tinaguriang Prepaid Subscriber Identity Module (SIM) Cards Regulations Act of 2016, na sugpuin ang krimen at mga kabulastugang nagaganap gamit ang mga gadgets gaya ng mga cellular phones at iba pang mga kauri nito.

Ito ay bunga na rin ng kahirapan na pinagdadaanan ng mga awtoridad na ma-monitor at makontrol ang pag-abuso ng may mga masamang mithiin sa kapwa dahil na rin sa pagkahumaling ng marami sa cell phones at gadgets.

Sa kasalukuyan kasi, ang bentahan ng mga prepaid SIM cards sa bansa ay maihahalintulad na lamang sa bigasan na ang isang bibili ay hindi na kailangan pang magprisinta ng lehitimong mapagkakakilanlan bago pagbilhan.

Sa ilalim ng naturang panukala, mabigat na parusa ang ipapataw sa negosyanteng magbibenta ng SIM card na hindi hihingi ng mapagkakakilanlan o ID.

Speak Your Mind

*