No Relocation, No Demolition campaign, ipatutupad ni Duterte

Wala magaganap na demolition kung walang tiyak na relocation sa ilalim ng Duterte administration.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati sa reunion and fellowship of Bedans na ginanap kagabi sa palasyo ng Malakanyang.

Paliwanag ni Duterte, hindi dapat sirain ang mga bahay ng mga walang mapupuntahan.

Nagbigay din ng katiyakan ang administrasyon na maghahanap ito ng mapagkukunan ng pondo mula sa mga papasok na investment sa bansa para makagawa ng mga relocation site para sa mga kababayan nating maapektuhan ng demolition.

Speak Your Mind

*