Ombudsman, dismayado sa pagbasura ng SC sa kaso ni CGMA

Photo Credit: gov.ph

Dismayado ang Office of the Ombudsman sa pagbasura ng Supreme Court (SC) sa kasong plunder ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sandamakmak na mga ebidenisya laban kay Arroyo ang naiprisinta kaugnay sa umano’y maanomalyang paggamit ng P366 milyon intelligence funds mula sa PCSO noong 2008 hanggang 2010.

Sinabi ni Morales na nagpetisyon sila para magkaroon ng oral arguments para maipaliwanag ang mga ebidensiya subalit hindi ito pinagbigyan ng Korte.

Kaugnay nito, plano ng Ombudsman na maghain ng motion for reconsideration sa kaso ni Arroyo.

Pinag-aaralan din ngayon ng Ombudsman ang iligal na paggamit ni Arroyo sa intelligence fund ng PCSO mula 2004 hanggang 2007.

Speak Your Mind

*