“Oplan Tokhang”, mahigpit nang ipapatupad sa Pangasinan

Mahigpit nang ipapatupad sa lalawigan ng Pangasinan ang “Oplan Tukhang” kasabay sa pag-upo ng bagong Officer-In-Charge ng Police Provincial Office na si PS/Supt. Ronald Lee.

Direktiba ito ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kung saan sa Tutok, Hangyu o Oplan tukhang ay nagresulta ng sunod-sunod na pagsuko ng iligal drugs user.

Sa Oplan Tukhang, mismong ang mga pulis na ang kakatok at kakausap sa bahay ng mga hinihinalang sangkot sa paggamit at pagtutulak ng iligal na droga.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, mahigpit din ipapaki-usap sa mga ito na tumigil na sa kanilang masamang gawain.

Ngunit kasali man umanong ayaw tumalima ng mga ito sa “Oplan Tukhang”, ay mararanasan nila ang buong implemantasyon ng batas.

——-

Kampanya konta ilegal na droga, tuloy-tuloy na isasagawa ng kapulisan

Tuloy-tuloy ang gagawing police operation at buy-bust operation ng Pangasinan Police Provincial Office Laban sa ilegal na droga.

Ito’y kahit pumalo na sa apatnaraan labin tatlo ang ikinasang anti-drugs operation ng ppo mula buwan ng enero hanggang hulyo.

Nagresulta naman ito ng mahigit limandaang kataong naaresto at tinatayang 3.2 milyon piso na halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska.

Nabatid na umaabot pa sa apatnaraan pitumpot isa ang suspected user, pusher, carrier ang kabilang sa ilegal drugs wacthlist sa lungsod pa lang ng Dagupan.

Dahil dito, sinabi ni P/Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan PNP, hanggat ginagawa nila ang legal, tama ay tuloy-tuloy ang pakikipaglaban sa ilegal drugs lalot nasa likod nila ang batas.

Speak Your Mind

*