Pagbuo ng Center for Pangasinan Studies, isinusulong

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang ordinansa sa pagbuo ng Center for Pangasinan Studies.

Sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 01-2016 na panukala ni Vice Governor Ferdinand Calimlim ang pagtatayo ng Center for Pangasinan Studies ay katuwang ng University of the Philippine (UP).

Layunin umano nito na magkaroon ng malalimang pag-aaral sa mga salita, kultura at tradisyun ng mga pangasinense.

Nakapaloob din sa panukala ni Calimlim ang pagkakaroon ng pondo sa grupo ng mga ekperto mula sa ibat-ibang paaralan at unibersidad sa lalawigan na pangungunahan ni dating Provincial Administrator Raffy Baraan.

Upang mas maging matagumpay, katuwang din ang pangasinan Historical and Cultural Commission para sa pag-aaral ng pagkatatag ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*