Molobicus tilapia, magpapalago sa fishing industry sa Pangasinan

Malaking tulong sa paglago ng industriya ng pangingisda sa lalawigan ng Pangasinan ang pagpaparami ng molobicus o saline tilapia.

Ayon kay Dr. Westly rosario, ang Center Chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) ang saline tilapia ay mabilis at kayang lumaki ng hanggang kalahating kilo sa loob ng tatlong buwan.

Dagdag pa ni rosario na ang laki ng saline tilapia ay kaparehas sa laki ng pla-pla, ngunit ang kaibahan nga lang ay kaya nitong mabuhay sa tubig alat.

Nabatid na ang saline tilapia ay unang i-denevelop sa BFAR Dagupan labin anim na taon na ang nakakaraan.

Samantala, kasado na ang isasagawang kauna-unahang National Aquaculture Summit at National Training and Workshop sa darating na a-syete ng Hulyo.

Speak Your Mind

*