Pagsasailalim sa vasectomy, isinusulong ng PHO bilang paraan sa family planning

Isinusulong ngayon ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan ang pagsasailalim sa vasectomy nang isang padre de pamilya, isang paraan ng family planning.

Ayon kay Dr. Anna de Guzman, Provincial Director ng PHO, ang vasectomy ay isang procedure na pagpuputol o pagtatali sa “vas deferens” ng lalaki upang mapigilan ang pagdaloy dito ng sperm cell.

Dagdag pa ni de Guzman na ligtas at walang masamang epekto sa kalusugan ng mga kalalakihan ang vasectomy bagkus nagbibigay pa umano ito ng magandang pangangatawan.

Gaya ng isinasagawang tubal ligation sa mga kababaihan, ang vasectomy  ay mas ligtas na pamamaraan ng family planning.

Samantala, libre na umanong isinasagawa ang vasectomy sa mga district hospital sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*