Pagsusumite ng mga hospital ng SOA, ipinapatupad na ng Philhealth

Ipinapatupad na ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang pagsusumite ng mga hospital ng Statement of Account (SOA) o billing statement sa ilalim ng Circular No. 2016-005.

Epektibo noong Hunyo 15, 2016, ang nasabing polisiya bilang bahagi sa mga isinasagawang pagre-review o pag-aaral sa kabuuhang pagpapatupad ng all case rates

Sa programang sagot ka ng Philhealth, sinabi ni Dr. Ferdinand Guiang ng Philhealth Region 1 na kabilang sa mga impormasyong dapat nakalagay sa soa ang mga aktwal na binayaran sa ospital, kinaltas na benepisyo, pangalan at lagda ng pasyente.

May mga benefit packages naman na hindi kabilang sa polisiya sa pagsusumite ng SOA kabilang na ang tb DOTS, maternati care package, peritoneal dialysis, outpatient malaria package, outpatient hiv/aids treatment package, animal bite treatment package, at newborn care package.

—-

Natanggap na BPN ng isang miyembro ng philhealth, dapat ikumpara sa SOA

Sakaling nakatanggap ng Philhealth Benefits Payment Notice (BPN) ang isang miyembro, ikumpara ito sa Statement of Account (SOA) ng hospital at tingnan kung magkapareho ang kinaltas rito.

Ito ang paliwanag ng Philhealth Region 1 kaugnay sa BPN kung saan makikita ang pangalan ng miyembro, petsa na pagkakaospital, aktual na binayaran at kung magkano ang benepisyo ng Philhealth na dapat ikinaltas mula sa total bill ng ospital

Sinabi naman ni Sarah Corazon Sabaten, Cares Task leAder ng Philhealth region 1, na sakaling mas mababa ang kinaltas na Philhealth benefits ng ospital ay maaari dalhin at ipakita ang bpn sa ospital para sa reimbursement ang kaukulang halaga ng benepisyo.

Dagdag pa ni Sabaten na agad makakatanggap ng bpn ang isang miyembro pagkatapos na maiproseso ang claim document sa ospital, ngunit kung walang natanggap ay maaaring sumangguni sa tanggapan ng Philhealth.

Ang tinig ni Sarah Corazon Ssabaten, Cares Task  Leader ng Philhealth Region 1.

 

Speak Your Mind

*