Pangulong Duterte, inaprubahan ang Peace Road Map

du30-C-300x206Aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Peace Road Map na iprinisinta ni Peace Process Secretary Jesus Dureza noong lunes sa isang close door meeting sa Palasyo.

Ayon kay Dureza, layunin ng komprehensibong Peace Road Map na maghatid ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Inilahad din ni Dureza ang mga hakbang para sa mga bangsamoro ngunit nilinaw nito na wala nang magaganap na negosasyon dahil tinapos na ito ng nakaraang administrasyon kung kayat nagkaroon ng paglalagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Sinabi din ng peace secretary na ibabalik ng Duterte administration ang Bangsamoro Transition Commission para bumalangkas ng panukalang isusumite sa Kongreso matapos bigong maisabatas ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa 16th Congress.

Speak Your Mind

*