Pangulong Duterte, pinaghahandaan na ang unang SONA

Pinaghahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na gaganapin sa Hulyo abente singko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, humihingi pa ng input ang pangulo sa kanyang gabinete.

Dagdag pa ni Abella, layunin ng pangulo na maging komprehensibo ang kanyang ulat sa bayan.

Inaasahan din ang pag-convene ni Pangulong Duterte sa legislative executive Development Advisory Council (LEDAC) para pag-usapan ang mga priority bills ng administrasyon.

Prayoridad din ng administrasyon ang mga panukala sa paglaban sa kriminalidad at droga sa bansa.

Speak Your Mind

*