Paolo Ballesteros, umaani ng papuri sa kanyang make-up transformations

Kahit hindi aktibo sa TV si Paolo Ballesteros, patuloy naman na umaani siya ng papuri sa international dahil sa kanyang mga make-up transformations.

Isa na rito ang paggagaya niya sa cast ng Game of Thrones na si Arya Stark, ang mismong pinuri ang gawa niya.

Kabilang din sa mga Game of Thrones cast members na ginaya ni paolo ay sina Cersei Lannister, Daenerys Targaryen, Brienne of Tarth, Melisandre, Margaery Tyrell at Sansa Stark.

Dahil dito, magagandang comments ang natanggap ni Paolo sa iba  pang mga international publications tulad ng Teen Vogue, Glamour, Hello Giggles, Yahoo! Style at Australia Network News.

Pati na ang mga international blogsites na The Bitbag Injection, Logo at Feed The Web ay hangang-hanga sa mga make-up creations ni Paolo.

Speak Your Mind

*