PDEA Region 1, mas pina-igting ang kampanya laban sa ilegal drugs

Mas pinaigting ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Region 1 ang kampanya laban sa ilegal drugs kasabay sa mahigpit na mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni Bismark Bingaoyan, Public Information Officer mg PDEA Region 1, na kasama na rito ang kanilang Anti-Narcotic Operation.

Bukod dito, ang mga isinagawang symposium at seminar ng PDEA sa mga sumusukong indibidwal na sangkot sa paggamit at pagtutulak ng iligal na droga.

Kasabay nito, nanindigan naman ang PDEA na lahat ng kanilang isinasagawang Buy Bust Operation at Anti-Nacotic Operation ay nasa tamang koordinasyon ng mga otoridad at walang nalalabag sa karapatang pantao o Human Rights.

—— 

PDEA at PNP, hindi na umano kailangang makapag-coordinates sa mga  barangay officials kung magsasagawa ng anti-ilegal drugs operation

Hindi na umano kailangan makipag-koordinasyon ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa mga Barangay Officials kung magsasagawa sila ng anti-ilegal drugs operation.

Ito ang binigyang linaw ni Bismark Bingaoyan, Public Information Officer ng PDEA Region 1 kung saan nakapaloob umano ito sa ipinapatupad na batas.

Ayon pa kay Bingaoyan, ang ganitong sistema ay upang maiwasan ang tinatawag na “burnout” o ang pagkabigo sa kanilang isinasagawang anti-drugs operation.

Siniguro naman ni Bingaoyan, na magkapareho ang hawak na drug watch list record ng PDEA at PNP batay sa kanilang isinasagawang quarterly validation ng lahat ng intelligence community mula sa mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan anti-ilegal drugs campaign.

Speak Your Mind

*