PDEA, tikom ang bibig sa pagkakadawit ni Peter Lim sa iligal na droga

Hindi muna nagbigay ng kanyang pahayag si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Isidro Lapeña, kaugnay sa negosyanteng si Peter Lim, na umano’y inakusahang drug lord at nakasama sa isang kasalan sa Cebu City ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng DZAR 1026 Sonshine Radio kay Lapeña, pinauubaya na sa tangapan ng Department Of Justice (DOJ), at National Bureau of Investigation (NBI), para magsagawa ng imbestigasyon laban umano kay Peter Lim.

Sinabi ni Lapeña, wala naman ibinigay na instruction sa kanya si Pangulong Duterte upang magsagawa ng imbestigasyon laban kay Lim.

Ganun paman tuloy-tuloy ang ginagawang pagmomonitor ng PDEA sa mga wahak nilang listahan na sangkot umano sa droga ng bansa.

Speak Your Mind

*