PDRRMO, target na maging disaster resilient ang lalawigan ng Pangasinan

Nakatutok ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa target ng provincial government ng Pangasinan na zero casualty sa panahon ng kalamidad.

Ito ang inihayag ni Avinex Arenas, Training and Information Head ng PDRRMO, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan ito umano ang mahigpit na mandato ni PDRRMO Chairman Gov. Amado “Pogi” Espino.

Ngunit sinabi ni Arenas na hindi nila ito magagawang mag-isa dahil nangangailang ito ng force multiplier upang maging disaster resilient ang lalawigan ng Pangasinan.

Ngayong patuloy na ginugunita ang National Disaster Consciousness Month na may temang “Kahandaan, Pagtugon sa Sakuna, Tungkulin ng Bawat Isa” mas pinapalakas pa ang kampanya ng PDRRMO sa disaster preparedness, mitigation, response and rehabilitation.

Speak Your Mind

*