Pedestrian overpass, sulosyun para maibsan ang trapik sa Dagupan

Isinusulong ngayon ang pagkakaroon ng overpass sa ilang pangunahing lansangan sa lungsod ng Dagupan upang maibsan ang pagsikip ng daloy ng trapiko.

Ito ayon kay City Action Service Team (Cast) Chief Ret. SPO4 Carlito Ocampo sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan ang panukala ay nakarating na sa sangguniang panglungsod.

Ayon pa kay Ocampo, kabilang dito ang pagtatayo ng pedestrian overpass sa harap ng University of Pangasinan o Region 1 Medical Center sa Arellano St, East Junction ng AB Fernadez Avenue-MH del Pilar-arellano St.

Dagdag pa ni Ocampo na malaking tulong din para masulosyunan ang matinding trapik sa dagupan ang pagkakaroon ng traffic light at karagdagang closed-circuit television o CCTV Cameras.

Dapat din aniyang dagdagan ang mga traffic enforcer, police visibility, at pagpapaigting ng disiplina sa mga dishonest at corrupt traffic enforcer.

Speak Your Mind

*