PESO, aminado na tumaas ang unemployment rate sa 2nd quarter ng taon

Aminado ang Public Employment Service Office o PESO Pangasinan na tumaas ang un-employment rate sa lalawigan ngayong ikalawang quarter ng taon.

Ayon kay PESO Manager Alex Ferrer, bahagyang tumaas ang unemployment rate dahil sa mga bagong graduate mula sa ibat-ibang paaralan sa Pangasinan.

Dahil dito, tuloy-tuloy umano ang kanilang ginagawang Jobs Fair at Special Recruitment sa tanggapan ng PESO sa bayan ng Lingayen.

Tuloy-tuloy din ang kanilang Mobile Jobs Fair sa kada bayan sa lalawigan upang sa ganun ay hindi na mahirapang pumunta sa PESO Office.

Batay sa tala ng peso, nasa 7.5 percent ang unemployment rate sa ikalawang quarter ng taon mas mataas kumpara noong unang quarter ng taon na nasa 6.8 percent.

Speak Your Mind

*