Philhealth CARES, itinalaga sa mga hospital para tulungan ang mga myembro

Maaaring gamitin bilang pamalit sa Philhealth Benefit Eligibility Form o PBEF ang Philhealth CARES upang makakuha ng impormasyon ang isang pasyente ng miyembro ng Philhealth.

Ayon kay Sarah Corazon Sabaten, Cares Task Leader ng PhilHealth Region 1 na ang Philhealth CARES Form 1 o PCF 1 sa ilalim ng Circular Number No. 2016-006 ay itinalaga sa ibat-ibang ospital upang matulungan ang mga membro na maka-avail ng benepisyo sa PhilHealth.

Ang PCARES ay mga registere nurese at tinatawag na Philhealth Customer Assistance, Relations and Empowerment Staff sa mga hospital.

Idinagdag pa ni Sabaten na ang tanging ang mga Philhealth CARES na nakatalaga sa ospital ang awtorisado at maaaring mag-issue ng PCF 1 kung saan mag-aavail ang pasyente ng benepisyo.

Speak Your Mind

*