“Philhealth sa Barangay”, inilusad ng Philhealth Region 1 na bayan ng Bolinao

Inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) Region 1 ang  Re-Entry Project (ReP) o ang tinatawag na “Philhealth sa Barangay”.

Ito ang inihayag ni Abraham Ballares, Chief Social Insurance Officer, Local Health Insurance Office – Western Pangasinan sa programang “Sagot ka ng Philhealth” sa DZRD Sonshine Rado.

Ayon kay Ballares, ang “Philhealth sa Barangay” ay isang proyekto na naglalayong ilapit sa taong bayan na nasa barangay ang mga serbisyo at benipisyo ng Philhealth.

 

Maituturing namang pilot project area ng “Philhealth sa Barangay” ng Philhealth Region 1 ang mga barangay sa Western Pangasinan, patikular na sa SANTIAGO ISLAND sa bayan ng bolinao.

 

Ang tinig ni Abraham Ballares, Chief Social Insurance Officer, Local Health Insurance Office – Western Pangasinan.

 

Speak Your Mind

*