PHO, binigyang diin ang kahalagahan ng “First 1000 days ni Baby.

Binigyang diin ng Provincial Health Office (PHO) ang kahalagahan ng “First 1000 days ni Baby, Pahalagahan para sa malusog na kinabukasan” ang temang ngayong taon ng Nutrition Month.

Ayon kay Analiza Miranda, Nutrition Program Manager ng PHO na ang unang 1000 day ni Baby ang pinaka-importanteng bahagi sa paglaki ng sanggol.

Sinabi pa ni Miranda na mahalaga para sa isang sanggol ang 1000 day mula sa pagbubutis hanggang sa dalawang taon dahil dito nabubuo ang kanyang physical at mental development.

Kasabay nito, kinumpirma ni Miranda na bumaba ng 1.74 percent ang malnutrition rate sa lalawigan ng Pangasinan kumpara sa dating 2.46 percent noong nakaraang taong 2015.

Ganunpaman, patuloy naman umanong tutukan ng PHO ang mga lugar o bayan na may mataas paring kaso ng malnutrition

Ang tinig ni Analiza Miranda, Nutrition Program Manager ng Provincial Health Office.

Speak Your Mind

*