PHO, nagbabala sa sakit na cholera na nakukuhan sa human waste

Nagbabala ang Provincial Health Office (PHO) Pangasinan sa mga sakit na nakukuha sa maduming kapaligiran lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ito ayon kay Rachel Zarate, Health Information Coordinator for Infectious Diseases ay ang sakit na cholera na nakukuha sa human waste na kalimitang nangyayari kung magkalapit ang poso negro at deep well.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi pa ni Zarate na mataas din sa tyansa na magkaroon ng cholera sa mga lugar na walang palikuran.

Kalimitan naman palatandaan na tinamaan ng sakit ng cholera kung ang isang tao ay nakaranas ng pagtatae, nakakaranas ng dehydration, at mabilis na pagtibok ng puso.

Ipinapayo naman ng PHO na kapag nakaranas ng naturang mga sintomas ay maaring uminom ng orisol at agad na magpakonsulta sa hospital.

Ang tinig ni Rachel Zarate, Health Information Coordinator for Infectious Diseases ng Provincial Health Office.

Speak Your Mind

*