Pilipinas at Japan, nagsasagawa ng maritime exercise sa Manila Bay

Nagsasagawa ng Maritime Exercise ang Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard sa Manila Bay.

Ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Commander Armand Balilo, layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng dalawang bansa sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Magpapalitan din ng kaalaman ang mga ito para sa pagsugpo sa kriminilidad sa karagatan.

Nilinaw din ni Balilo na walang kinalaman ang nasabing aktibidad sa desisyon ng UN Tribunal sa West Philippine Sea.

Anya, taon-taon umanong isinasagawa ang exercise.

Dumating sa bansa ang barkong tsugara ng Japan Coast Guard noong lunes at nakadaong ngayon sa pier 15 sa Manila South Harbour.

 

 

Speak Your Mind

*