Pilipinas, iniwan ni PNoy sa mas maayos na kalagayan ayon kay Mar Roxas

Pinuri ni dating Interior Secretary Mar Roxas si dating Pangulong Benigno Aquino III sa mga nagawa nito para sa bansa sa nakalipas na anim na taon.

Sa isang post sa social media, sinabi ni Roxas na iniwan ni Aquino ang Pilipinas sa mas maayos na kalagayan kumpara sa estado nito noon.

Taas-noo rin aniya siya na naging bahagi siya ng paglalakbay ni Aquino at isa sa mga pinagkatiwalaan nito ng ilang responsibilidad sa gobyerno.

Speak Your Mind

*