Pinas at China, dapat bumuo ng protocol kaugnay sa pangingisda sa West Philippine Sea

Hinikayat ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pamahalaang Pilipinas na agad makipag-usap sa gobyerno ng China para makapangisda na ang mga Pinoy sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Ipinaliwanag ni Carpio na kailangang bumuo ng protocol ang Pilipinas at China para hindi na ipagtabuyan ng Chinese Navy ang mga Pinoy na nangingisda sa West Philippine Sea at kung hindi susunod  ay puwede naman tayong bumalik sa tribunal para magreklamo.

Panahon na rin anya para palakasin ng pamahalaan ang Philippine Coast Guard na magbabantay sa karagatang sakop ng bansa at suportahan ang mga pilipinong mangingisda.

Maalalang pinaboran ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas kaugnay sa agawan ng teritoryo sa South China Sea o West Philipine Sea.

Speak Your Mind

*