PNoy, pumalag sa isinampang kaso laban sa kanya

Pumalag si dating Pangulong Noynoy Aquino ang kasong isinampa sa kanya ng pamilya ng nasawing Special Action Force Troopers kaugnay ng madugong Mamasapano Operation.

Sa kanyang statement, sinabi ng dating Pangulo na papansin lamang si Attorney Ferdinand Topacio, ang abogadong nagsampa ng kasong homicide kay Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima, at dating SAF director getulio napeñas.

Dagdag pa ng dating pangulo, kung nasunod lang ang utos niya kay Napeñas ay posibleng naiwasan ang trahedya.

Binigyang diin din ni Aquino na lalo pang mahihirapan ang pamilya ng SAF 44 kung itutuloy lamang ng mga pasimuno sa pagsasampa ng kaso ang aniya’y kanilang motibo.

Inutos naman na ni Aquino sa kanyang mga abogado ang posibleng aksyon laban sa pagsasampa ng kasong tinawag niyang “harassment”.

Si Aquino na ayon sa Senate Committee Report Ay Siyang “Ultimately Responsible” Sa Nangyaring Operasyon Ay Kinasuhan Ng Reckless imprudence resulting in multiple homicide sa Ombudsman.

Speak Your Mind

*