PNP, nanindigan na walang organize Dagupan Death Squad o DDS sa Dagupan

PNP AbrahanoNaninindigan ang Philippine National Police o PNP Dagupan City na walang nag-ooperate na organize Dagupan Death Squad o DDS laban sa mga indibidual na sangkot sa droga.

Ayon pa sa Hepe ng Dagupan City PNP na si P/Supt. Christoper Abrahano, hindi pinapayagan ng hanay ng kapulisan ang ganitong uri ng pagpatay kung saan kadalasang makikita sa labi ng biktima ang karatula ng katagang wag tularan, adik tulak ako… DDS.

Dagdag pa ni Abrahano na kapag may naitalang shooting insident o natagpuang bangkay ay idadaan ito sa malalimang imbestigasyon.

 

Sa ngayon, sampu na ang naitatalang namamatay sa Drug War sa Dagupan, apat dito ang napatay sa police operation habang anim naman ang pinatay ng nagpakilalang DDS.

Speak Your Mind

*