Populasyon ng Region 1, pumalo na sa mahigit limang milyon

Pumalo na sa mahigit limang milyon ang populasyon ng rehiyong uno batay sa huling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA)

Ayon kay PSA Regional Director Socrates Ramores, sa huling census noong agosto 2015 nasa 5,025,128 na ang populasyon sa Region 1, limang porsyento sa kabuuang populasyon ng bansa na 100,981, 437.

Sinabi pa ni Ramores na sa taong 2015 ang populasyon ng rehiyon ay mas mataas ng 278,000 kumpara sa populasyon na 4.75 milyon noong 2010 at mas mataas ng 826,000 kumpara sa populasyon na 4.2 milyon noong 2000.

Dagdag pa ng opisyal na 1.09 porsyentong nadadagdag taun-taon ang populasyon sa rehiyon sa nasabing panahon na  2010 hanggang 2015.

Ang Region 1 ang ika-anim sa may pinaka-malaking bilang ng populasyon sa labing walong (18) rehiyon sa pilipinas.

Pasok naman sa top three biggest population ang Region IV-A (CALABARZON) na may 14.41 milyon, National Capital Region (NCR) na may 12.88 milyon at Region III o Central Luzon na may 11.22 milyon populasyon.

——-

Pangasinan, nangunguna sa apat na lalawigan sa may pinaka-maraming populasyon sa rehiyong uno.

Nangunguna ang Pangasinan sa apat na lalawigan sa may pinaka-maraming populasyon sa rehiyong uno.

Batay ito sa pinaka-huling census ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Agosto 2015.

Ayon kay PSA Regional Director Socrates Ramores, pang-apat sa walumpot isang lalawigan sa bansa at nangunguna sa Region 1 ang pangasinan na may 2.96 milyong populasyon.

Pangalawa naman ang lalawigan ng La Union na may 787,000 populasyon, pangatlo ang Ilocos Sur na may 690,000 populasyon at Ilocos Norte na bilang na 593,000 papulasyon.

May pinaka-mataas namang bilang ng populasyon ang lungsod ng San Calos na  188,571, Dagupan na may 171,271; Urdaneta na 132,940, at bayan ng Malasiqui na may 130,275 populasyon sa buong Pangasinan.

Speak Your Mind

*