PPO, target na tuluyang mawala ang kaso ang iligal ng droga sa Pangasinan sa loob ng anim na buwan

Target ng Police Provincial Office o PPO Pangasinan na maabot sa tatlong buwan ang limampung porsyentong accomplishment sa paglaban kontra ilegal drugs.

Ito ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation ng PPO, kung saan ngayon pa lang ay nakikita na ang malaking bilang ng mga sumukong sangkot sa iligal na droga.

Sinabi pa ni Candelario na tiyak na sa natitirang tatlong buwan o sa loob ng anim na buwan ay tuluyan nang mawawala ang kaso ang iligal ng droga sa lalawigan.

Una rito, umani ng magagandang komento mula sa mga pangasinense ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sentro ang kanyang mensahe sa paglaban kontra iligal na droga.

Speak Your Mind

*