PPO, tiniyak na hindi mangyayari ang extra judicial killing sa Pangasinan

Tiniyak ng bagong talagang Officer-in-Charge ng Police Provincial Office na susundin niya ang mandato ng bagong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.

Ayon kay PS/Supt. Ronald Lee, magagawa nila ito sa pamamagitan ng sunod-sunod na ilegal drugs police operation at ang pagpapaigting ng kampanya sa mga barangay at paaralan ng Police Community Relation (PCR).

Kasabay nito, hindi naman umano mangyayari ang pinangangambahan ng lahat na magkakaroon ng extra judicial killing sa lalawigan dahil ang lahat ng kanilang gagawing operasyon ay naaayon sa batas.

Ganunpaman, tiniyak ni Lee na hindi nila uurungan ang masasamang loob na lalabag sa ipinapatupad na batas.

Speak Your Mind

*