Presyo ng mga gulay sa bagsakan market sa urdaneta, bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang presyo ng mga gulay sa Bagsakan Market sa lungsod ng Urdaneta.

Bunga raw ito nang kukunti ang namimili pero dagsa naman ang suplay ng gulay na nagmumula pa sa mga karatig lalawigan ng Nueva Viscaya at Nueva Ecija.

Bumaba nang hanggang limang piso ang bintahan ng gulay gaya ng talong at kalabasa na mabibili na lamang sa P15 hanggang P18 kada kilo, ampalaya at sitaw na nasa P25 hanggang P27 kada kilo, at okra na nasa P7 hanggang p8 ang presyo kada kilo.

Ayon kay Manuel Sison III, Officer-in-Charge ng Pangasinan Agri Pinoy Trade Center o PAPTC, dagsa pa ang pagdating ng mga gulay dahil walang pang nararanasang bagyo sa bansa.

Ngunit sakali man aniyang maranasan na ang tuloy-tuloy na pag-ulan at pagpasok ng bagyo, asahan na umano ang pagtaas sa presyo ng gulay sa merkado.

Speak Your Mind

*