Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Pangasinan, nananatiling matatag

Nanatiling stable ang presyo ng mga basic commodities o mga pangunahing bilihin sa Pangasinan batay sa monotoring ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, hanggang ngayong buwan ng Hulyo dise-otso ay walang silang nakitang paggalaw sa presyo ng mga bilihin sa merkado.

Dagdag pa ni Loresco na lahat ng presyo ng mga produkto kanilang namomonitor ay nasailalim parin ng prevailing price na ipinatutupad ng DTI.

Umaasa naman ang opisyal na walang tatamang anumang kalamidad sa bansa na tiyak na magpapagalaw sa presyo ng mga bilihin.

Ang tinig ni Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*