Prince Stefan, umaming nakikipagdate sa isang lalaki

Nagsalita na ang Starstruck batch four first prince na si Prince Stefan tungkol sa mga balitang kumakalat sa kanyang sexual preference.

Kaugnay ito sa mga nakikitang post sa kanyang instagram account kasama ang isang non-showbiz guy na ang pangalan ay Paolo Amores.

Inamin naman ni Prince na nasa “ligawan stage” pa lang sila ni Paolo pero hindi nito inamin kung gay o bisexual siya.

Dagdag pa ni Prince, walang label ang kanilang relationship basta umano masaya sila sa company ng isa’t isa.

Handa rin si Prince sa anumang sasabihin ng ibang tao sa pinili niyang buhay.

Speak Your Mind

*